PAGGAMIT NG KOMPYUTER

Isa sa pinakasikat na gamitin ngayon ang kompyuter, upang maisagawa ang patuloy na paggamit nito. Nais ko lamang ituro sa inyo ang tamang paggamit ng kompyuter. Bago malaman ang mga hakbang sa paggamit ng kompyuter, kailangan muna na malaman kung anu-anong bahagi ang mayroon sa kompyuter.
MGA BAHAGI NG KOMPYUTER:
MGA HAKBANG SA PAGGAMIT NG KOMPUTER
Una, isaksak ang plug sa kurdon ng kuryente.
Pangalawa, buksan ang kompyuter sa pamamagitan ng pagpindot ng pindutan sa kanan at ibabang bahagi ng monitor.
Pagkatapos mong buksan ay makikita mo ang tinatawag na DESKTOP. Ganito ang itsura ng desktop:
Ang DESKTOP ay ang lugar kung saan ka gumagawa ng gawain sa screeen gamit ang kompyuter. Sa screen mo rin makikita ang tinatawag na Icon na ang ibigsabihin ay maliliit na imahe na nagpapakita ng kung anong laman ang mayroon sa iyong kompyuter.
Pagkatapos mong buksan ay makikita mo ang tinatawag na DESKTOP. Ganito ang itsura ng desktop:
Ang DESKTOP ay ang lugar kung saan ka gumagawa ng gawain sa screeen gamit ang kompyuter. Sa screen mo rin makikita ang tinatawag na Icon na ang ibigsabihin ay maliliit na imahe na nagpapakita ng kung anong laman ang mayroon sa iyong kompyuter.
Ang DESKTOP ay nahahati sa dalawang bahagi , una ang pahabang guhit sa ibabang bahagi ng desktop na kinabibilangan ng orasan sa kanang bahagi at ang start button sa kaliwang bahagi na tinatawag na TASKBAR. Ito ang magbibigay ng mas madaling paraan ng paggamit mo ng kompyuter, dito rin makikita ang mga applications at programs na kasalukuyan mong ginagamit.
Isa-isahin natin ang bahagi ng Taskbar :
- Start Button - isa sa pinakamahalagang bahagi ng Taskbar dahil nandito na ang lahat ng programs na kailangan mong hanapin kabilang ang mga dokumento, informasyon tungkol sa internet.
- Notification Area - tinatawag din ito na System Tray, dito makikita ang Notification Icon , kasalukuyang petsa at oras na maaaring maiayos ito ng wasto. Dito rin makikita ang mahahalagang mensahe tungkol sa pag-update ng kompyuter at ang lakasan at hinaan ng tunog nito.
IMPORMASYON TUNGKOL SA START BUTTON/ START MENU
Ang Start Menu ay may dalawang parte , una yung sa kaliwang kulay puti na kinabibilangan ng kamakailan lamang na ginamit na application . Pangalawa, yung itim na parte na kapag pinindot mo gamit ang mouse ay mapupunta ka sa Shortcut o sa mas mabilis at alternatibong paraan. Kabilang na rito ang MY DOCUMENTS na listahan ng mga ginamit na dokumento ng kasalukuyang gumagamit.
HALIMBAWA
- Pagpindot ng Microsoft Word, mapupunta agad doon sa gusto mong puntahan .
Makikita din sa larawan ang MY RECENT DOCUMENTS, dito makikita ang kamakailang application na binuksan ng gumagamit ng kompyuter. Ang Start Menu ay may mas malaking bahagi na kung saan makikita mo ang lahat ng applications, programs ng Kompyuter, ito ang ALL PROGRAMS.

IBA PANG BAHAGI NA MAKIKITA SA START MENU:
- MY PICTURES- dito makikita ang mga litrato larawan na nakalagay sa kompyuter.
- MY MUSIC - dito naman makikita ang ang mga kanta na pwede mong mapakinggan sa kompyuter at mga napakinggan na.

- CONTROL PANEL- dito nakalagay ang mga paraan upang maisaayos ang sistema ng kompyuter.

- PRINTERS AND FAXES - dito naman makikita ang mga naka-installed printers and faxes sa sistema ng kompyuter.
- HELP AND SUPPORT - ito ang lugar kung saan puwede mong maresulba ang mga tanong mo tungkol sa isang bagay.
- SEARCH - ginagamit ito upang mas mapadali ang paghahanap ng mga files na nakatago sa bawat dokumento.
- TURN OFF COMPUTER/ SHUTDOWN - ito ay ang pagsara nang kasalukuyang nakabukas na kompyuter.
Ito lamang ang mga pangunahing paraan ng paggamit ng kompyuter at kung ano ano ang mga bahagi ng Windows Desktop, nawa ay may natutunan kayong bagong kaalaman tungkol sa DESKTOP.
MARAMING SALAMAT!